Popular Posts

Tuesday, May 31, 2011

a letter

Alam niyo na kung sino kayo. Alam niyo na din kung ano mensahe ko sa inyo. So bakit kelangan ko pa i-blog? De biro lang. Paulit-ulit nalang tayo. Palaging unli. Hindi matutumabasan ng letter na to yung pasasalamat ko na dumating kayo sa buhay ko. 
Ang dami na nating pinagdaanan. Kaya alam niyo na ugali ko, alam niyo na kung kelan ako may topak, alam niyo na kung kelan ako kinikilig kahit nga itago ko kapag nasasaktan ako napapansin niyo, eh. Sa panahon na kinailangan ko kayo lagi kayong andyan. Tinatama niyo mga mali ko, sinusuportahan niyo ako sa mga bagay na alam niyong tama para sakin.
Sa totoo lang, kahit hindi ako gaano ka-showy, gusto ko malaman niyo kung gaano ko kayo kamahal. Korny? Kahit ano mangyari ang magsabi ng katotohanan, sa pamamagitan man ng cheap na salita, hinding hindi ito matatawag na korny. Nalagasan, malagasan o malalagasan man tayo sa barkada, ang importante, andyan parin kayo. Ni kailanman hindi naglaho. 
College na tayo, maaring madami magbago. Pero sana, kung ano kayo ngayon, ganun parin kayo kapag nagkita kita ulit tayo. Kapag may gala tayo. Okay lang magkaroon ng bagong set of friends basta lagi niyong isipin na isa ako sa mga TOTOONG KAIBIGAN na dumating sa buhay niyo. 

No comments:

Post a Comment